Sa pagreresearch ko sa Yabang Pinoy at sa mga kanta ng Radioactive Sago Project, nakita ko ang kanta ng RSP na Alaala ni Batman. Malayo man sa kahulugan ng kanta, naisip kong isa si batman sa pinakanakakaawang nilalang sa mundo dahil pasan niya ang mundo sa kanyang mga balikat. Lahat ng bagay ay nakadepende sa kanya. Kahit nga kakainin ng isang pamilya sa isang araw siya ang bahala. “Nay, wala na tayong bigkas” ani ng anak. “Anak, basta raraket ako bukas at bahala na si Batman.” Sa sitwasyon pa lamang na ito malaking problema na ang kinakaharap ni batman, paano pa kaya kung buong Pilipinas, siya ang inaasahan? Naniniwala akong mas sikat si Batman kay Superman kasi hindi naman si Superman ang iniisip nilang magliligtas o sasaklolo sa kanila, si Batman naman eh. Masyado naman akong napaisip nang nakita ko. HAHA. Pasensya na, epekto ng walang magawa.
Namimiss ko nang magsulat! Naeexcite ako sa artikulo ko sa buwan na ito dahil tungkol ito sa Musical Activism. Mahal ko ang larangan ng musika at pagsusulat kaya’t ngayong tungkol rito ang isusulat ko ay hindi na ako makapaghintay. Mamayang alas-2 ng tanghali ay kapapanayamin ko ang isa sa mga miyembro ng Radioactive Sago Project kaya nagririserts ako ngayon, sana maging matagumpay yung interbyu.
-
patshane11 reblogged this from katemanamtam and added:
si SUPERMAN. haha. :))
-
hiccupsforbreakfast liked this
-
abovesuspicion liked this
-
0-201016 liked this
-
katemanamtam liked this
-
theotherkate reblogged this from katemanamtam
-
theotherkate liked this
-
katemanamtam posted this